Sa Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika,
Ang akin komunidad ay kasali sa isang kampanya upang mabawi ang pag-access sa aming mga lupain, dahil ang aming mga lupain ay ninakaw mula sa amin maraming henerasyon na ang nakalipas – at kami ay nahihirapang mabawi ang aming mga karapatan at koneksyon sa aming mga lupain. Sa tingin ko, makabubuti na iugnay ang pakikibakang ito sa aming wika, na kung saan ay dati ring ipinagkait sa amin. Paano ko maiuugnay ang dalawang pakikibakang ito?
-Wika at Lupa
Sa Wika at Lupa,
Ito ay isang mahusay na tanong! Ang dalawang pakikibaka na ito ay lubhang magkakaugnay at kolonisasyon ang karaniwang ugat ng isyu, kaya ang paghahanap ng mga paraan upang aktibong mag-dekolonisasyon sa pamamagitan ng muling pagkonekta at pag-alala sa mga paraan kung saan magkaugnay ang wika at lupain ay malamang na maging mahalaga sa iyong pakikibaka upang mabawi ang iyong lupain at iyong wika.
Ang pag-iisip tungkol sa mga paraan kung paano pinananatili ng iyong komunidad ang koneksyon sa iyong mga lupain sa pamamagitan ng iyong wika sa paglipas ng panahon, mula sa malayong nakaraan hanggang sa kasalukuyan -- at ang mga paraan na naiisip mong konektado sa hinaharap -- ay isang mahusay na simula para sa gawaing ito.
Maaari mong pag-isipan kung paano naaalala at maikwento ng iyong komunidad ang kanilang koneksyon sa kanilang mga lupain sa pamamagitan ng pag-aaral, pagninilay-nilay, pagtatanong, at pakikinig sa mga kwento, kanta, tula, sayaw, pananaw sa mundo, mga prinsipyo at kasanayan sa etika, at iba pang mga kultural na paraan ng pag-alam at pag-uugali na konektado sa mga paraan na nauugnay ang iyong komunidad sa iyong mga lupain.
Isa pang paraan upang alalahanin ang mga koneksyong ito -– at upang ipakita ang koneksyon ng iyong komunidad, lalo na sa mga konteksto ng settler-kolonyalismo -– ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga proyekto ng pagmamapa ng komunidad at mga pangalan ng lugar.
Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa kung ano ang natatandaan nilang pinag-uusapan ng kanilang mga kamag-anak na may kaugnayan sa mga lupain ng iyong komunidad at ang mga kuwentong sinabi tungkol sa iyong mga lupain, kung paano nila tinukoy ang mga lupain nang kanilang pinag-uusapan o sa kanila, kung anong mga bagay ang ginawa ng mga tao ('kultural na kasanayan') sa ilang partikular na lugar – halimbawa, ano ang isang partikular na lugar na kilala, ano ang ginagawa/ginawa ng mga tao doon, paano tinutukoy/tinukoy ng mga tao ang lugar na iyon o ano ang tinatawag/tawag nila dito. Ang pakikinig sa mga kwentong iyon ay makakatulong sa iyo na simulan ang pangangalap ng mga paraan kung paano magkakaugnay ang mga lupain at ang wika sa isa’t isa sa mga paraan na umaabot sa panahon, espasyo at memorya.
Ang pagbibigay ng partikular na atensyon sa pagtatanong sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa kanilang mga Lolo't Lola o mga nakatatandang henerasyon na maaaring maalala ang mga koneksyon sa lupain at partikular na mga lugar, pati na rin ang mga paraan ng pag-alam at pakikipag-usap tungkol sa lupain na tinatawag na wika, ay isang napakahalagang bahagi din ng gawaing ito.
Kapag nasimulan mo na ito, malamang na mapagtanto mo na gumagawa ka ng isang uri ng ‘proyekto sa pananaliksik sa komunidad’!
Ang ilang ideya ng mga tanong na maaari mong itanong sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa kanilang kaalaman o alaala sa kaugnayan ng iyong mga Tao sa lupain, sa pamamagitan ng koneksyon sa wika, ay maaaring magtanong sa kanila tungkol sa mga partikular na lugar sa mga lupain o teritoryo ng iyong komunidad:
- “Ano ang natatandaan mong tawag sa lugar na iyon (pangalan ng lugar)?”
- “Anong uri na mga gawain ang ginawa natin sa lupa na iyon, sa lugar na iyon?”
- “Mayroon bang anumang bagay na hindi natin dapat gawin o pag-usapan kaugnay sa lupain na iyon, sa lugar na iyon?”
- “Naalala mo ba kung ano ang tawag sa lugar na iyon? Nagbago ba ang pangalan na iyon sa paglipas ng panahon?”
- “Ano ngayon ang tawag ng ating mga tao sa lugar na iyon? Bakit mahalaga sa atin ang pangalang ito -- ano ang sinasabi nito sa atin na kailangan nating malaman at alalahanin?”
- “Kailan nagbago ang pangalan ng lugar na ito? Paano ito nagbago? Naalala mo ba kung ano ang nangyari?”
- (“Ano ngayon ang tawag ng mga tagalabas sa lugar na iyon? Ito ba ay may kaugnayan o makabuluhan sa atin sa anumang paraan? Paano ito maaaring makatulong sa ating pakikibaka na muling pangalanan at mabawi ang ating mga sariling lupain?”)
- “Anong uri ng mga kwento ang naaalala mo tungkol sa lugar na iyon?”
- “Anong mga uri ng wika ang naaalala mo na ginagamit ng mga tao kaugnay sa lugar na iyon?”
Maaari mo ring isaalang-alang ang pagtingin sa mga pangalan ng lugar gamit ang mga historikal na archive at mga mas lumang mapa ng inyong mga lupain upang simulan idokumento ng makasaysayang paggamit ng lugar ng iyong komunidad at kung paano ito makikita sa wikang makikita mo sa mga archive at makasaysayang talaan. At huwag kalimutan na patuloy na ibahagi ang iyong mga paghahanap at natutunan sa mga pagtitipon ng komunidad, upang hindi lamang malaman ng iba pang mga kasapi ng komunidad ang iyong mga natuklasan, kundi upang hikayatin ang pagkakaisa sa pag-alala ng sama-sama, sa pagbuo ng mga kwento bilang isang komunidad tungkol sa inyong mga lupain, mga lugar, mga alaala, at kaalaman tungkol sa lupa at kung paano kayo nakipag-ugnayan sa lupain sa mga lugar na iyon, at kung paano lahat ng ito ay nasasalamin sa inyong wika, anuman ang yugto ng inyong pagsisikap na muling buhayin at bawiin ang iyong wika!
Maaari mo ring isipin ang gawaing ito na muling makipag-ugnayan sa inyong mga lupain at wika bilang bahagi ng isang “tanawin ng linggwistika,” kung saan binibigyan mo ng pansin ang mga lugar at espasyo kung saan ang iyong wika ay bahagi ng lupain na kasalukuyang nakikita o naririnig – o kung saan ito ay nawawala sa paraan ng pagiging bahagi ng wika sa tanawin ng inyong lugar. Maaari mong tanungin ang iyong sarili ng mga tanong tulad ng,
- “Paano sumasalamin ang mga pangalan ng lugar sa lugar na ito sa ating wika?” at “Paano sumasalamin ang mga pangalan ng lugar sa lugar na ito sa kung paano natin nalalaman ang ating lupain?”
- “Saan naroroon ang mga pangalan ng ating sariling lugar, sa ating sariling wika?”
- “Saan ipinapakita ng mga pangalan ng lugar ang kawalan o invisibilisasyon ng ating wika at ng ating presensya?”
- “Paano naapektuhan, nabura, napilipit ng kolonyalismo / settler-kolonyalismo ang ating mga wika, kaalaman, at koneksyon sa ating mga lupain?”
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga ideya na maaari mong isipin na gawin habang sinisimulan mo ang iyong gawain upang muling ikonekta ang iyong pakikibaka para sa wika at mga lupain.
Ang mahalaga ay huwag mag-alala kung saan ka nagsisimula o kung saan ka patungo – ang pinakamahalaga ay ang magsimula. Habang nagsisimula ka, maaaring mapansin mo na habang mas maraming tao ang nag-uusap sa isa’t isa, mas maraming tao ang nagsisimulang maalala ang mga paraan kung paano ang iyong komunidad ay naging konektado at patuloy na konektado sa inyong mga lupain sa pamamagitan ng kanilang mga relasyon, kolektibong kwento at memorya, at mga kultural na paraan ng pagiging-alam-paggawa. Ang lahat ng ito ay kritikal na matutunan at kilalanin habang nagsusumikap kang makipag-ugnayan muli sa iyong mga lupain at sa iyong (mga) wika - habang inaalala na, mula sa mga Katutubong paraan ng pag-alam, ang mga lupain at mga wika ng lupain ay iyong karapatan sa pagkapanganay at hindi sila maihihiwalay sa iyo. Ang mga ito ay isang regalo, madalas na isang banal na regalo mula sa Manlilikha na hindi maaaring putulin, kahit anumang makasaysayan na karanasan ang naranasan ng iyong komunidad. At higit sa malamang, hinihintay nila ang iyong pagbabalik sa kanila.
-Amanda