Maraming paraan na maaari kang mag-ambag ng iyong oras at mga talento upang suportahan ang gawaing pangwika. Tingnan kung aling landas ang pinakaangkop sa iyo:
Mayroon ka bang karanasan sa pagsalin ng mga mapagkukunan at pag-subtitle ng mga bidyo? Tumulong na maging mas madali ang paggamit ng mga mapagkukunan ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika .
Ikaw ba ay malikhain? Mag-ambag sa disenyo ng mga materyales para sa Aklatan ng Mapagkukunan at social media ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika.
Nais mo bang pag-usapan ang tungkol sa pagpapasigla ng wika sa malawakang madla? Sumali sa pangkat ng Ambassador ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika at ipalaganap ang balita tungkol sa panganganib at pagpapasigla ng wika.
Ang pagboluntaryo sa Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay mahusay na paraan upang mag-ambag ng iyong kaalaman at mga kasanayan patungo sa mundo kung saan may pag-unlad ang lahat ng wika. Sumali sa amin at magkaroon ng mga koneksiyon at karanasan.
Ang Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay magagamit online at ang mga boluntaryo ay nakikibahagi mula sa buong mundo. Sumali dito sa pandaigdigang network.
Ang pagboluntaryo sa Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay pagkakataon upang matutunan at masuportahan ang muling pagbuhay ng wika sa internasyonal na antas.
Mag-ambag ng iyong mga kasanayan at interes sa pandaigdigang laban sa pang-aapi ng wika.

Ikinatutuwa ko na nagbibigay ang ELP ng oportunidad na makilala ang ibang tao sa buong mundo na gumagawa ng iba't ibang bagay kaugnay ng pagpapasigla ng wika. Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng komunidad na mapagbabahaginan ng mga bagay-bagay.