Tungkol sa Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika
Ang mga komunidad sa buong mundo ay nagsisikap na mapanatiling matatag ang kanilang mga wika. Nandito kami upang suportahan sila.
Sino Kami

Ang Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika (ELP) ay isang hindi pangkalakal na organisasyon na nakabatay sa U.S. na sumusuporta sa muling pagbuhay ng mga katutubo at nanganganib na wika sa buong mundo. Ang ELP ay nagdadala ng mga tao mula sa iba't ibang hangganan at hanggahan upang tugunan ang agarang isyu ng panganib sa wika.

Aming Misyon

Ang aming misyon ay bumuo ng mga network, magmobilisa ng kapasidad, magsaliksik at magbahagi ng kaalaman upang mapanatili ang pagkakaiba-iba ng wika sa buong mundo, at magbigay ng access sa mga datos na batay sa ebidensya tungkol sa kasiglahan ng wika. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga komunidad ng katutubong wika, mga wika na nanganganib, at/o mga minoryadong komunidad ng wika, at pagsuporta sa pagpapasigla ng wika at dokumentasyon nito, kami ay tumutulong sa pagbuo ng isang mundo kung saan umuunlad ang mga wika at ang kanilang mga komunidad.

Aming Pangitain

Ang aming pangitain ay isang mundo kung saan ang mga komunidad ng katutubo, nanganganib, at minoridad ng wika ay umuunlad, at kung saan ang pagkakaiba-iba ng wika ay pinahahalagahan, iginagalang, at prinoprotektahan.

Aming Pagpapahalaga
Integridad

Kami ay kumikilos nang may paggalang sa mga ugnayan namin sa mga komunidad ng wika, bawat tao, at mga organisasyon. Pinaniningdigan namin ang aming salita, kumikilos nang may pananagutan, nakikipag-usap na walang tinatago tungkol sa aming trabaho, at tinutupad ang aming mga ipinangako.

Paggalang at suporta

Paggalang at suporta para sa mga katutubo, nanganganib, at/o minoridad na mga wika at kanilang mga komunidad: Pinagtitibay namin ang likas na halaga ng iba't ibang wika at komunidad ng wika, ang pagpapasya sa sarili ng mga katutubong tao, at ang mga karapatan ng bawat komunidad na gamitin, itaguyod, at ipasa ang kanilang mga wika.

Positibong pananaw

Naniniwala kami sa posibilidad ng positibong kalalabasan para sa mga wika at kanilang komunidad, at kumuha ng positibong paninindigan sa potensyal ng pagpapasigla ng wika. Nananatili kaming nakatutok sa solusyon sa harap ng mga hamon, nagpapaunlad ng kagalingan sa gawaing pangwika at ginagalang ang mga paraan na makapagpapagaling at magbibigay buhay sa wika.

Pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan

Naniniwala kami na ang pagkilos upang mapanatili ang pagkakaiba-iba ng wika ay mas malakas kapag tayo ay nagtutulungan. Inuuna namin ang pakikipagtulungan sa, at sa pagitan ng, katutubo, nanganganib, at/o minoridad na mga komunidad ng wika sa buong mundo.

Pagbabahagi at madaling pag-access

Nagbabahagi kami ng kaalaman, mapagkukunan at mga gamit upang suportahan ang gawaing wika nang walang bayad. Nilalayon naming gawing madali ang pag-access ng aming gawain ng lahat, anuman ang wika, pagpopondo, o heograpiya.

Nabatid na aksyon

Nagsasagawa at nagbabahagi kami ng pananaliksik na makabuluhang nakakatulong sa gawaing pangwika. Iginagalang namin ang maraming uri ng kaalaman na makakapagpanatili ng pagkakaiba-iba ng wika.

Aming Gawain

Ang Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay ang pinakamalaking online na komunidad ng mga tagapagtaguyod ng wika sa buong mundo, nagbabahagi ng kaalaman, mapagkukunan, at suporta sa mga tabi at hangganan.

3,400+
Mga Wika
7,000+
Mga language resource
22,000+
Mga Tagapagtaguyod ng Wika
Ang Aming mga Programa
Mga libreng workshop, kurso, talakayan, at pagsasanay
Mga mapagkukunang pang-edukasyon na madaling ma-access
Direktang gabay, payo, at suporta
Pagbabahagi ng mga kuwento at kaalaman mula sa mga komunidad sa buong mundo
Maaasahang impormasyon tungkol sa pagpapasigla ng wika
Higit Pang Alamin ang Tungkol sa Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika

Ang Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay isang hindi pangkalakal na organisasyon na sa U.S. nakabatay. Ang aming mga kasosyo sa pagtatatag ay ang First Peoples’ Cultural Council at ang Unibersidad ng Hawaiʻi sa Mānoa Department of Linguistics. Sa pamamagitan ng kolaborasyon at pagpapalakas ng kakayahan sa mga komunidad ng mga katutubo, nanganganib, at/o minoryadong wika, nakikita ng ELP ang isang mundo kung saan ang pagkakaiba-iba ng wika at tao ay maaaring umunlad.

Aming Kasaysayan

Ang Proyekto sa Mga Nanganganib na Wika ay inilunsad noong Hunyo 21, 2012. Una kaming nagkaisa sa isang gawaran mula sa U.S. National Science Foundation noong 2011 upang bumuo ng Katalogo ng Mga Nanganganib na Wika (ELCat) sa Unibersidad ng Hawai’i at Unibersidad ng Eastern Michigan. Noong sumunod na taon, ang First Peoples’ Cultural Council at Google.org ay nakipagtulungan sa koponan ng Katalogo, at sinimulan ang proyekto na naging ELP. Noong 2012, inilipat ng Google.org ang buong kontrol ng proyekto sa ELP Governance Council, na pinamumunuan ng First Peoples’ Cultural Council.

 

Noong 2015, lumipat ang proyekto sa Unibersidad ng Hawaiʻi sa Mānoa. Noong 2024, ang ELP ay naging isang independiyenteng hindi pangkalakal na organisasyon na nakabatay sa U.S.

 

Sa paglipas ng mga taon, ang aming trabaho ay nagbago at lumago, ngunit ang aming misyon ay nananatiling pareho: ibahagi ang kaalaman, bumuo ng mga network, at suportahan ang pagpapasigla ng wika at dokumentasyon nito sa buong mundo.

Ang Aming Ginagawa

Sinusuportahan namin ang dokumentasyon at pagpapasigla ng wika sa buong mundo sa pamamagitan ng iba't ibang libreng programa. Kasama sa mga inaalok na ito ang mga mapagkukunang pang-edukasyon at mga pagkakataon sa pag-aaral, pag-mentor at online na pagtitipon upang magbigay ng suporta at pagyamanin ang koneksyon, maaasahang impormasyon at pananaliksik tungkol sa lakas at pagpapasigla ng wika, mga malikhaing inisyatibo upang magbahagi ng mga kuwento at ideya sa gawaing pangwika, at adbokasiya para sa mga karapatan at pagpapasigla ng wika.

Aming Pagsasaliksik

Naniniwala kami na ang mahusay na pananaliksik ay maaaring magbigay-alam at sumuporta sa mga dokumento at pagpapasigla ng wika. Ang Catalog ng Nanganganib na Wika (ELCat) ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay nagbibigay ng pinaka mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa nanganganib na mga wika sa mundo. Ito ay pinapanatili ng University ng Hawaiʻi sa Departamento ng Lingguwistika sa Manoa.

Makipag-ugnayan sa Amin

Mag-email sa amin sa feedback@endangeredlanguages.com.  

Pamunuan

Ang Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay pinamumunuan ng Konseho ng Pamamahala ng mga kilalang tagapagtaguyod ng wika, iskolar, at propesyunal ng pagpapasigla na mula sa buong mundo. Higit pang alamin ang tungkol sa kanila dito.

 

Image
A photo of the ELP Governance Council standing in a green garden.
Aming Pangkat

Ang mga programa ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ay isinasagawa ng isang pangkat ng mga dedikadong kawani mula sa buong mundo. Alamin ang tungkol sa kanila dito.

Image
Four women from the ELP staff, standing in a green garden and smiling
Kadalasang Mga Tinatanong
Bakit nagiging bihira o nanganganib ang mga wika?

Napakakomplikado ng tanong na ito! Walang maikling sagot, ngunit kung mayroon man, maging kasama rito ang saligang katotohanang ito: ang panganib sa wika ay karaniwang sumasalamin sa iba pang panggigipit, kawalang-hustisya, pakikibaka, o mga trauma sa isang komunidad. Hindi karaniwang nagiging bihira o nanganganib ang mga wika kapag ang kanilang mga komunidad ay matatag at umuunlad. I-download dito ang talaan ng impormasyon tungkol sa panganib sa wika.

Wala sa site ang wika ko. Bakit hindi? Paano ko idagdag ito?

Mayroong ilang mga kadahilanan kung bakit ang iyong wika wika ay maaaring wala sa website ng ELP.

 

1. Hindi ito itinuturing na nanganganib, o hindi man lang ayon sa Language Endangerment Index (LEI), ang sistemang ginagamit ng ELP upang sukatin ang kasiglahan o katatagan ng isang wika. Ito ay isang magandang bagay - nangangahulugang medyo malakas ang iyong wika! Kung sa palagay mo ito ay isang pagkakamali, at ang iyong wika ay nanganganib tulad ng inilarawan sa LEI, mangyaring makipag-ugnay sa amin.

 

2. Naghahanap ka ng pangalan o baybay ng iyong wika na naiiba sa mga nakatala sa aming database. Sinusubukan naming isama ang lahat ng iba't ibang mga pangalan na kilala ng isang wika, upang madaling mahanap ng mga tao ang hinahanap nila. Kung mapansin mong wala sa aming database ang pangalan o baybay na gamit mo para sa iyong wika, mangyaring makipag-ugnayan sa amin – ikalulugod naming idagdag ito.

 

3. Ito ay isang wika na kamakailan lamang ay naging kilala sa mga panlabas na mananaliksik, at hindi pa namin natagpuan ang impormasyon tungkol dito. Kung ito ang kaso, mangyaring makipag-ugnay sa amin! Masaya kaming makipagtulungan sa iyo upang magdagdag ng impormasyon tungkol sa iyong wika.

Bakit ginagamit ng ELP ang salitang “nanganganib”?

Ang terminong "mga nanganganib na wika" ay kumplikado. Isa itong salita na malawakang ginagamit sa larangang ito sa loob ng ilang dekada, at pamilyar ang madla rito sa maraming bahagi ng mundo. Ito ay isang termino na makabuluhan sa mga pamahalaan, institusyon, NGO, at mga ahensya ng pagpopondo – ang ilang mga patakaran, batas, o gawad-tulong ay partikular para sa mga wikang “nanganganib”. Ito rin ay isang termino na maraming kaakibat na pasanin. Maraming masalimuot at balidong dahilan kung bakit hindi gusto ng ilang tao at komunidad ang terminong “nanganganib” na gamitin para sa kanilang mga wika, tulad ng pagtuon nito sa pagkalipol, pagsalalay nito sa biyolohikal na metapora ng wika, o pagkabigo nitong lagyan ng pangalan ang ugat ng pagkawala ng wika, bukod sa iba pang dahilan. Pinipili ng ibang mga tao at komunidad na ilarawan ang kanilang mga wika bilang "nanganganib," at nakikita nila ang salitang ito na kapaki-pakinabang. Isa itong salita na nagdadala ng maraming kahulugan, at kinikilala namin na maaaring ito ay isang hindi komportable o hindi naaangkop na termino sa ilang konteksto.

 

Binibigyang-priyoridad ng Proyekto para sa mga Nanganganib na Wika ang paggamit ng mas maingat at mas angkop na wika hangga't kaya, ngunit kung minsan ay gagamit din ng mga tanyag na terminolohiya upang malapitan at maunawaan ng publiko.

Who funds ELP?

ELP currently operates with grants and donations from the First Peoples’ Cultural Council, the First Peoples’ Cultural Foundation, Supporting Indigenous Language Revitalization (SILR), the University of Hawaiʻi at Mānoa, Lush Charity Pot, and generous donors like you. In the past, we’ve also received funding from the US National Science Foundation, Google.org, and the Henry Luce Foundation.

Does it cost anything to participate in this project or access your resources?

No. All our resources and services will always be free.

Maaari ba akong mag-aplay para sa pagpopondo mula sa ELP?

Paumanhin, ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa kami makapagbigay ng mga grant o pondo.

 

Is ELP an archive? Will resources here be safely stored for the future?

No, ELP is not an archive. Archives have long-term plans to keep materials safe and available for hundreds of years, and are usually part of institutions like tribal governments, universities, museums, etc. The ELP website only has the capacity to share links to materials that have been uploaded on other sites (like Soundcloud, Vimeo, or YouTube) – we don’t have any control over what happens to materials uploaded on other websites, so be careful, and read their terms of service before deciding to upload your language materials there. 

 

If you are looking for a place to safely store recordings (or other language materials) for a long time, try contacting a reputable language archive, or using a platform like FirstVoices. You can find a partial list of reputable language archives at DELAMAN. You may also wish to visit the Digital Stewardship Curriculum, an educational resource by the Sustainable Heritage Network, for Indigenous institutions working to digitize and store materials of all kinds. You can also find learning resources about archiving in our resource library.

Who holds the rights to materials shared through ELP?

ELP doesn’t hold any rights to user-submitted materials shared on this website – we only have the ability to link to them, or display them on the website.

 

By adding materials to the ELP site, you are sharing a link to something that is already public on the internet (for example, a video on YouTube). Check the terms of service of the site which hosts those materials – for example, if you upload a video that you recorded to YouTube, you still own that video, but YouTube has the rights to share it, play it for other people, distribute it, etc. We recommend always checking the terms of service for any platform where you are uploading important language materials! Data sovereignty is an important thing to keep in mind as you create, share, and store materials related to your languages. 

 

We also recommend the Check Before You Tech resource from First Peoples’ Cultural Council, which offers a set of guiding questions around technology and language data. It is available through the ELP website in several languages.